RSS | Archive | Random

About



Ako si Jackie.

Mga bagong isyu mula sa chismosa niyong kapitbahay.

Usap tayo?

Proudly Pinoy!


Read the Printed Word!

4 November 11

Bespren

Naalala ko yung bespren ko simula elementary hanggang ngayon. Di ko lang maisip kung kailan yung huli naming away pero madalang lang talaga kami nagkatampuhan nun. Magkasama kami lagi sa eskwelahan, sa kalokohan talagang promotor din kaming dalawa. Naalala ko pa nga dati, nakalimutan ko siyang reply-an kasi may ginawa ako nun, nag-GM ba naman sa mga kaklase ko na nasagasaan daw ako ng trak. Gago yun, tawa ng tawa kasi tinanong ko siya kung bakit andaming nagtetext sakin ng “Uy Jackie, anong nangyari sayo? Okay ka lang?” yung mga ganun. Di ko talaga makakalimutan yung bespren kong yun. Pero siguro kung totoo ngang nasagasaan ako ng trak baka di na makapagGM yun at kumaripas nalang agad papunta sa bahay. 

  1. maselangbahaghari posted this
Themed by Hunson. Originally by Josh