RSS | Archive | Random

About



Ako si Jackie.

Mga bagong isyu mula sa chismosa niyong kapitbahay.

Usap tayo?

Proudly Pinoy!


Read the Printed Word!

4 November 11

Piso

Naalala ko nung highschool ako, siguro 100 pesos eh feeling ko andami ko nang pera nun. Malapit lang kasi yung eskwelahan ko, sa bandang Marikina lang kaya isang sakay lang ang gagawin ko. Siguro nung mga panahong yun 11 pesos lang ang pamasahe ko papuntang school. May baon akong kanin para makatipid. Bale ang ginagastos ko lang araw-araw eh yung pamasahe at yung merienda ko. Naalala ko rin nun na sa halagang bente pesos eh may mango shake at burger ka na. Ngayong kolehiyo ko lang naranasan na ang isandaan eh hindi kasya sa isang araw. Pag nagyaya yung mga kaklase mong kumain sa labas eh tatanggihan mo dahil sa wala kang pera. Nangyari na rin sa akin na saktong pamasahe nalang pauwi ang natira sa’kin. Nagkataon din na tumaas ng piso ang pamasahe nun. Nung nagbayad ako sa konduktor, kulang ng piso yung pera ko. Buti nalang eh may mga barya akong sa bag ko. Naisip ko nung mga panahong yun, pano kaya kung wala akong nakitang barya sa bag ko? Nakakahiya naman sa mga pasahero na wala akong pera. Nun ko lang naisip na kahit pala piso nalang yung sukli eh kunin mo pa rin. Di mo kasi alam kung kailan mo kakailanganin yun.

Isa pang dahilan kung bakit di na ako nagyoyosi dahil sa gastos lang yun. Sayang din yun ah! Malaking halaga na yung dos para iambag ko sa pamasahe ko tsaka siyempre bad siya sa health.

  1. maselangbahaghari posted this
Themed by Hunson. Originally by Josh