RSS | Archive | Random

About



Ako si Jackie.

Mga bagong isyu mula sa chismosa niyong kapitbahay.

Usap tayo?

Proudly Pinoy!


Read the Printed Word!

20 October 11

Minsan, hindi ko talaga maintindihan ang aspeto ng pagmamahal. Binigay mo na lahat ng bagay na alam mong makakapagpasaya sa kanya pero sa huli, magiging hindi sapat lahat ng yun. Bakit kaya may mga taong hindi ka kayang mawala sa una pero kayang-kayang kalimutan lahat ng sinabi niya sa’yo matapos ka niyang saktan. Kahit ipaalala mo sa kanya lahat ng sinabi mo nung mga panahong halos baliw na baliw kayo sa isa’t isa, eh wala na. Siguro nga, may hangganan lang ang lahat. Naalala ko pa non, sabi niya sakin

“Pag dumating na tayo sa puntong iiwan na kita, mahalin mo lang ako ah. Maaalala ko lahat ng nararamdaman ko sayo.”

Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko. Lahat ng pag-iintindi at pag-unawa pero hindi pa sapat yun para mag-stay siya. Alam ko yung sagot eh hindi lalabas agad-agad. Ang iniintindi ko lang ngayon eh ayoko ng nararamdaman ko.

Naramdaman ko na dati, oo. Pero bakit hindi pa rin ako nasasanay?

Ang sakit.

Themed by Hunson. Originally by Josh