RSS | Archive | Random

About



Ako si Jackie.

Mga bagong isyu mula sa chismosa niyong kapitbahay.

Usap tayo?

Proudly Pinoy!


Read the Printed Word!

21 September 11

Nagpagupit ako last week, dahil hindi na rin ako mapakali sa haba ng buhok ko. Medyo okay lang naman yung kinalabasan kaya lang medyo maikli. Mala-Emma Watson siguro ka-ikli yung buhok ko. Sabi ng iba, bagay naman daw, yung iba, hindi daw nila gusto. Ewan ko sa kanila, sila-sila mag-away. 

Tapos nitong Martes lang, kumain kami ng juwawis ko sa Inasal. Di kasi ako nag-umagahan kaya sabi ko maga-unli rice nalang ako para makarami ako ng kakainin. Edi yun na! Naubos ko yung unang cup ko ng rice. Tinawag ni boyfriend yung crew at nanghingi ng kanin. Manghihingi rin sana ako pero sabi niya sa’kin…. “SIR? RICE PO?”

Langya! Sir daw ako? Hindi na! Busog na ako!

  1. maselangbahaghari posted this
Themed by Hunson. Originally by Josh